Thursday, April 23, 2009

An antique Church Bell in Buguey,Cagayan stolen

Tinangay ng mga kawatan ang antigong kampana ng St. Anne Church sa bayan ng Buguey ng lalawigang ito.


Ayon kay Arthur Pagador, Secretary ng Sangguniang Bayan ng Buguey, ninakaw ng tinatayang tatlong hindi pa nakikila­lang kalalakihan ang nasabing kampana dahil hindi umano ito kayang buhatin ng dalawang katao lamang.......


Ang nasabing kampana ay mahigit dalawang daang taon nang ginagamit at may taas na dalawa hanggang tatlong talampakan.


Ginagalugad na ng mga awtoridad ang buong lalawigan lalo na sa mga junkshop upang matukoy kung sino ang nagkainteres dito at nasa likuran ng nasabing pagnanakaw.

No comments: