Tuesday, May 19, 2009

6 months suspension for Buguey Mayor




http://now.abs-cbn.com/ondemand/premium/tvpregional/isabela/20090519-tvpisabela-high.asx
Anim na buwang suspensyon ang ipinataw ng Sangguniang Panlalawigan (SP) laban kay Buguey, Cagayan Mayor Ignacio Taruc, matapos masangkot ito sa kasong administratibo.

Sa ulat ng Bombo Radyo Tuguegarao, napagpasiyahan umano sa botong 6-4, na igawad ang suspensiyon laban sa alkalde dahil sa umano'y hindi makatuwirang pagsuspinde naman nito sa isang kawani ng tanggapan ng Office of the Vice-Mayor.

Una rito, ipinagharap ni Vice Mayor Licerio Natiporda III ng kasong grave misconduct, oppression at grave abuse of authority si Mayor Taruc.

Nauna na ring isinailalim sa preventive suspension na 60 araw ang alkalde nitong nakaraang Marso 3.

Kaugnay nito, tensiyonado ngayon ang sitwasyon sa bayan ng Buguey matapos tumangging kilalanin ng kampo ng alkalde ang kautusab ng Sanggunian.

Iginiit ni Mayor Taruc na bahagi lamang ito ng panggigipit ng kapitolyo at nang pamilyang Enrile sa kanya matapos na tumanggi siya na bigyan ng permiso ang operasyon ng pagmimina sa kanyang bayan

Sinasabing ang pamilya Enrile ang nasa likuran ng kaliwa't-kanang aplikasyon ng pagmimina dito sa lalawigan ng Cagayan

Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may sinuspinding alkalde ang Sangguniang Panlalawigan sa Cagayan.

No comments: