Hinatulan ng korte ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang dating pulis na anak ng vice mayor ng Cagayan.
Kinilala ang suspek na si PO2 Loreto Alipio Jr. ng Buguey, Cagayan.
Nag-ugat ang kaso ni PO2 Alipio makaraang harangin at barilin patay noong ika-7 ng Nobyembre 2002 sa Santa Maria, Isabela ang kanyang mga kamag-anak.
Kinilala ang mga napatay na sina Rolando Castillo, Nestor Castillo, Louie castillo at drayber na si Fidel Sosa.
Sa 52 pahinang resolusyon ni Judge Raymundo Aumentado ng Cauayan City Regional Trial Court Branch 21, bukod sa reclusion perpetua ay pinagbabayad din si Alipio ng mahigit P2 million death indemnity, moral at exemplary damages para sa apat na namatay.
Pinaniniwalaang paghihiganti ang motibo ng pamamaril ni Alipio sa mga magkakamag-anak na Castillo dahil hindi nila sinuportahan sa nagdaang halalan noong 2002 si Vice Mayor Loreto Alipio Sr. na kapatid ng ina ng nakaligtas na si Rofel Castillo.
No comments:
Post a Comment