Saturday, April 11, 2009

Atty Manuel Molina di sapat ebidensya ng mga Sanguinang Panlalawigan

BUGUEY, Cagayan --- Magpapasaklolo sa hukuman ang kampo ni Mayor Ignacio “Bubut” Taruc ng bayang ito upang makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa suspension order na kinatigan ng Sanggunian Panlalawigan ng Cagayan laban sa nasabing alkalde.


Ayon kay Atty. Manuel Molina, abogado ng alkalde, hihilingin nila sa korte na ipawalang bisa ang ipinalabas ng provincial board na preventive suspension laban sa alkalde dahil kwestiyonable ito at para hindi maipagkait ang serbisyo ng alkalde sa mga mamamayan ng Buguey na nagluklok sa kanya sa puwesto.


Tinukoy ni Molina ang paglabag ng panlalawigang konseho sa non forum shopping principle kung saan itinuloy pa rin nila ang pag­lilitis sa kasong administratibo na isinampa ni Vice Mayor Licerio Antiporda III partikular ang umano’y hindi nito pagpapasahod sa ilang kawani ng munisipyo ng Buguey gayong nakasampa na ito sa Office of the Ombudsman.


Hirit pa ng abogado na walang sapat na ebidensiya ang sangguniang panlalawigan sa ipinataw na preventive suspension ni Mayor Taruc.

No comments: